Inakusahan ng China ang dalawang nakapiit na Canadian citizens ng pang-iispiya, kasunod na rin ng namumuong tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Kaugnay ito sa posibleng pag-extradite ng Canada sa isang top official ng Chinese telecommunications giant na Huawei patungo sa Estados Unidos.
Ayon sa Chinese authorities, nagnakaw umano ng mga sikreto ng estado ang dating diplomat na si Micahel Kovrig na ibinigay naman umano nito sa mga foreign agents.
Pinaghihinalaan din ang Canadian businessman na si Michael Spavor na nagbibigay umano ng impormasyon kay Kovrig, at kanya rin umanong “important intelligence contact.”
Sa pahayag pa ng mga otoridad, madalas umanong magtungo sa China si Kovrig noong 2017 gamit ang isang regular na pasaporte at business visa.
Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng karagdagang detalye ang China kontra sa dalawa.
Nitong Disyembre nang ikulong ang dalawa matapos namang mahuli sa Canada ang Huawei Chief Financial Officer Meng Wanzhou, dahil sa umano’y fraud at sa paglabag ng kanilang kompaniya sa mga sanctions na ipinataw sa Iran.
Pero umaalma ang China na ang kaso raw kay Meng ay “abuse of the bilateral extradition treaty†sa pagitan ng Canada at US.
Nagprotesta pa si Foreign Ministry Spokesman Lu Kang na politika ang nasa likod na pagnanais ng Amerika. (BBC)