-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang dalawa katao na naaresto sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga suspek na sina Alex Aleman at alyas Dhats,mga residente ng Barangay Buluan Kabacan Cotabato.

Ayon kay M’lang Chief of Police Lieutenant Colonel Realan Mamon na umiwas ang mga suspek sa PNP Checkpoint sa Barangay Bialong sa bayan ng M’lang at pinaharurot ng takbo ang kanilang motorsiklo.

Tinugis ng mga pulis ang dalawang pinaghihinalaang carnaper at nasakote sa bahagi ng Purok 2 Barangay Tawantawan M’lang Cotabato.

Narekober sa posisyon ng mga suspek ang isang granada,isang kalibre.45 na pistola,mga bala,magasin at tatlong pakete ng shabu.

Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng M’lang PNP at patuloy na iniimbestigahan.