-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Naaresto ng mga otoridad ang dalawang magnanakaw ng motorsiklo sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga suspek na sina Jake Mohammad at Zedric Ardig.

Naaktuhan ng mga sibilyan ang mga suspek na ninakaw ang isang motorsiklo sa Brgy La Esperanza Tulunan North Cotabato.

Agad na nagresponde ang mga pulis sa pangunguna ni Tulunan OIC Chief of Police,Captain Edwin Tono at hinabol ang mga karnaper.

Naabutan ang mga suspek sa Purok 5 Brgy Bual Tulunan North Cotabato,tumakbo patungo sa masukal na lugar ngunit nadakip pa rin sila ng mga otoridad.

Narekober sa posisyon ng mga suspek ang ninakaw na motorsiklo,isang granada at pinatuyo na dahon ng marijuana.

Ang mga suspek ay nakapiit na sa lock-up cell ng Tulunan PNP na patuloy na iniimbestigahan at nakatakdang sampahan ng kaso.