-- Advertisements --

Nakipag barilan at habulan ang mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group sa dalawang suspected carnappers sa ikinasang operasyon kaninang umaga sa Quezon City.

Arestado sa nasabing operasyon ang dalawang pinaghihinalaang carnappers.

Kinilala ni PNP HPG Director BGen. Alexander Tagum ang dalawang naarestong suspek na sina Michael Gerald Urmeneta Quebral at ang kasamahan nito na si Richard Gallano Albaran.

Si Quebral ay wanted sa kasong carnapping and robbery sa Quezon City at Pampanga at mayruong tatlong warrant of arrest.

Narekober mula sa mga suspek ang isang caliber .45 pistol, dalawang magazine at isang heat sealed shabu.

Nahaharap ngayon sa kasong illegal possesion of firearms, possesion of illegal drugs at direct assault.

Sinabi ni Tagum, nakatanggap kasi sila ng impormasyon mula sa isang mapagkakatiwalaang sources hinggil sa presensiya ng dalawang pinaghihinalaang carnappers.

Pinuri naman ni Tagum ang mga tauhan ng HPG NCR sa pamumuno ni Col. Wilson Doromal sa matagumpay na operasyon.