Bagsak sa kamay ng mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) ang dalawang suspected carnappers na sangkot sa rent-tangay scheme.
Ayon kay PNP-HPG Director BGen. Alexander Tagum, nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga complainant hinggil sa modus ng dalawa kaya agad ikinasa ang operasyon ng mga tauhan ng HPG Special Operations Division mobile personnel.
Nagtungo sa HPG ang complainant na si Mark Joseph Santiago at mga opisyal ng Barangay 195 sa Caloocan City.
Kinilala ni Tagum ang dalawang suspeks na sina Roderick Reyes Paculdar, 29-anyos at Charlie Ramos Jialino, 30-anyos pawang mga residente din ng Caloocan.
Sinabi ni Tagum ang dalawang suspek ay tinukoy na sangkot sa rent-tangay scheme kung saan intensiyonal na hindi ibinabalik ng mga suspek ang nirentahang sasakyan dahil kanilla na itong ibinenta o isinanla.
Sa nasabing operasyon, narekober sa mga ito ang limang hindi ibinalik na sasakyan na kanilang nirentahan.
Nasa kustodiya ngayon ng HPG SOD ang dalawang suspeks at ang limang narekober na sasakyan.
” We are greatful for the coordination done by the concerned citizens and local officials to the succesful capture of these suspects. The HPG shall continue to educate the public on the various methods used by the technical carnappers so we could effectively put a stop to their unscrupolous schemes,” wika ni BGen. Tagum.