-- Advertisements --

ROXAS CITY – Arestado ang dalawang pinaniniwalaang mga carnapper matapos na-corner ng mga pulis sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Capiz.

Narekober sa mga suspek na sina JUanito Sevilla, 19, at 17-anyos na menor de edad, mga residente ng Barangay Balucuan, Dao, Capiz ang dalawang mga motorsiklo.

Ayon kay Captain Efren Yu-ing, hepe ng Dao Municipal Police Station nakorner ang dalawa sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Highway Patrol Group, Dao at Sigma PNP.

Nabatid na naaresto mismo ng mga pulis ang menor de edad na nagmamaneho ng motorsiklo na kinarnap sa bayan ng Sigma.

Samantala, narekober naman sa posisyon ni Sevilla ang tricycle na ninakaw nito sa Barangay Adlawan at isa pang motorsiklo na kinarnap sa bayan ng Dumarao.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Dao PNP ang narekober na mga motorsiklo at tricycle at nakatakdang i-turn over sa mga may-ari ng mga sasakyan.