Inanunsyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto na dalawang opisyal mula sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang sinuspinde dahil sa kapabayaan sa pagganap ng trabaho.
Ayon kay Sotto, walang matatanggap na anumang sahod ang mga ito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Ipinataw ang suspensyon matapos matuklasan na may ilang business establishments ang walang habas pa ring nagtatapon ng maruming tubig sa drainage, ngunit hindi man lang inaaksyunan ng mga opisyal ng CENRO.
Naniniwala ang alkalde na may suhulang nangyayari kaya hindi napaparusahan ang mga negosyanteng responsable sa polusyon.
“All our efforts to clean up our rivers (and other waterways) will be useless if the old culture with bribery and protectors will persist,” wika ni Sotto.