-- Advertisements --

Cavite

Arestado ang dalawang Chinese dahil sa pag-iingat ng mga hindi lisensyadong gamot sa COVID-19 sa Bacoor, Cavite.

Ayon kay Bacoor City Chief of Police PLTCOL Vicente Cabatingan, sa bisa ng search warrant sinalakay nila ang warehouse sa Barangay Niog 2., batay sa nakuha nilang impormasyon.

Dito nasabat ang kahon-kahong Chinese herbal capsule medicine na may label na Lianhua Quingwen Jiaonang na gamot di umano sa COVID -19.

Kinilala ni Cabatingan ang naarestong dalawang Chinese na sina Zhixing Chen at Lingjie Zhao alias Kira.

Habang at large sa ngayon ang isa pang suspek na si Achinglee Payoran Xu.

Sinabi ni Cabatingan, walang pahintulot ang pag-i-import at pagbebenta ng mga naturang gamot.

Kakasuhan ang dalawa ng paglabag sa FDA Act at Bayanihan to Heal as One Act ang dalawang Chinese.