Arestado ang dalawang Chinese sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG) nuong Linggo sa may Resort Village, Las Pinas City at matagumpay na narescue ang dalawang Chinese victims.
Ayon kay PNP-AKG Director Jonnel Estomo, nakatanggap kasi sila ng reklamo mula sa isang Yang Lingyu, asawa sa isa sa dalawang kidnap victims.
Ayon sa complainant humihingi ng 500,000 Chinese renmibi o nasa P3.5 million na ransom kapalit sa kalayaan ng dalawang biktima na sina Jiang Xiao Hao at Li Weizu.
Agad naman ikinasa ng AKG sa pangunguna ni Col. Villaflor Bannawagan ang operasyon at dito nahili ang dalawang Chinese suspects.
Kinilala ni Estomo ang dalawang naarestong Chinese kidnappers na sina Weng Zhiting at Cheng Guo na hinuli sa loob ng kanilang nirerentahang bahay.
Batay sa report, si Jiang ay dinukot sa may Regency Salcedo, Bel-air, Makati nuong August 7, subalit tinanggihan ng mga kamag-anak ng biktima ang ransom demand ng mga kidnappers.
Dahil dito, binugbog ng mga suspeks ang kanilang dalawang bihag at nakakuha ng nasa P500,000 pesos mula sa isa sa mga biktima sa pamamagitan ng online transfer.
Ibinunyag ng PNP AKG na ang mga suspeks ay sangkot sa online exchange of currency na siyang ginagamit na modus operandi para sa kanilang kidnapping activities.
Nakumpiska ng mga pulisa sa ikinasang operasyon ilang cellphones, isang cartridges case ng 9mm, isang live ammunition ng cal. 38, dalawang handcuffs, plastic straps at iba pang mga ebidensiya.
Nuong Lunes isinailalim na sa inquest proceedings sa DOJ ang dalawang suspeks dahil sa kasong kidnapping for ransom and illegal detention.