-- Advertisements --
DTI

Dalawang kumpanya ng China ang naghahanap sa Pilipinas na maging sentro ng kanilang pagmamanupaktura para sa wind power generation equipment.

Ayon sa DTI, umaasa ang mga ito na mag-supply ng mga bahagi ng wind energy sa rehiyon at iba pang nangungunang merkado.

Sinabi ni DTI Undersecretary and Board of Investments (BOI) Managing Head Ceferino Rodolfo na bumisita ang Chinese firms sa Pilipinas at naghahanap ng site para sa kanilang manufacturing facilities.

Aniya ang isa ay gumagawa ng mga monopile tower at ang isa naman ay gumagawa ng mga turbines at mga blades.

Sinabi ng opisyal na ang mga kumpanya ay mamumuhunan ng humigit-kumulang $2 bilyon bawat isa.

Sa ngayon, tumanggi si Rodolfo na tukuyin ang dalawang Chinese company dahil sa mga isyu sa pagiging confidential.