-- Advertisements --

akg6

Arestado ang dalawang Chinese kidnappers habang ligtas namang na-rescue ang apat na Chinese victims sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) sa may Building D, Xunchuang Network Technology Inc. sa may Alabang-Zapote Road sa Almaza Uno, Las Pinas City.

Kinilala ni PNP AKG Luzon Field Unit chief Col Frederick Obar, ang mga na-rescue na POGO employees na si Su Pengyin, Zhiwei Xu at Cao Qi na dinukot nuong September 21 habang si Zhiwei ay dinukot noong July 2021.

Ayon kay Obar, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Chinese Embassy noong October 12 hinggil sa pagdukot sa tatlong Chinese nationals na ibinenta sa isang POGO company.

Dahil dito agad na inilunsad ng PNP AKG ang operasyon na siyang naging daan sa pagkakaligtas sa tatlong kidnap victims.

Dagdag pa ni Col. Obar na sa kanilang pag-iimbestiga nakita ng kaniyang team mula sa isang CCTV footage na ang KFR victim na si Liu Meng ay ikinulong din sa nasabing building na dinukot noong October 8 at nasa P5 million ang ransom na hinihingi ng kaniyang mga kidnappers kapalit ng kaniyang kalayaan.

Nakilala naman ang mga kidnappers na mga Chinese nationals din na sina Gao Yuan-yuan at Qin Yue Hang, pawang mga natives ng Hunan, China.

Ayon naman kay PNP AKG director B/Gen. Rudolph Dimas na isinailalim na sa inquest proceedings ang dalawang suspeks sa DOJ.

Kasong kidnapping and illegal detention naman ang isinampa laban kay Li Jingnan at dalawa pang ibang Chinese kidnappers.