-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Inihanda na ng National Bureau of Investigation (NBI)-10 ang kasong human trafficking at child abuse laban sa dalawang Chinese nationals na kanilang nahuli sa loob ng isang sikat na hotel sa may Barangay Cugman nitong lungsod.

Kinilala ang mga suspek na sina Shen Quiang, 26-anyos at Li Qi, 27-anyos.

Sinabi ni City Social Welfare and Development (CSWD) Oro Rescue Operations head Venamay Celeste kinunan na ng NBI ng affidavit ang labing dalawang (12) biktima na kanilang na-rescue sa loob ng hotel kasama ang mga dayuhan.

Ito’y kinabibilangan ng 10 babae kasama ang 7 menor de edad at dalawang bakla.

Ayon pa kay Celeste, isinailalim na nila sa medical check-up ang mga biktima upang malaman kung naggalaw sila ng dalawang Chinese para sa karagdagang kasong isampa sa kanila.

Pinaghahanap din ngayon ng NBI ang isang babae na umanoy responsable sa pag-recruit sa mga menor de edad at ibugaw sa mga dayuhang Instik,