-- Advertisements --
Nasawi ang dalawang Chinese nationals matapos ang naganap na pagsabog sa Pakistan.
Ang nasabing insidente na pinaniniwalaang isang suicide attack ay naganap sa Karachi airport sa Pakistan.
Aabot naman sa 10 mga katao ang nasugatan kung saan ang isang bangkay ay pinaniniwalaang ang suspek.
Sinabi nig Chinese embassy sa Pakistan na ang insidente ay isang uri ng “terrorist attack” na ang target ay ang convoy ng Chinese engineers na nagtatrabaho sa power project sa Sindh province.
Inako naman ng Balochistan Liberation Army (BLA) ang nasabing insidente kung ang nagsagawa ng atake ay ang grupong Shah Fahad.