-- Advertisements --

Ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City ang dalawang medical clinics sa lungsod dahil sa pag-aalok umano ng RT-PCR test kahit wala silang lisensya.

Ayon sa LGU, inisyuhan ng closure order ng mga tauhan mula sa city government ang Bestcare Medical Clinic at ang dalawang clinic ng Diagnostic Center sa Barangay Karuhatan dahil wala silang license to operate bilang COVID-19 testing laboratory.

Suspendido na rin daw ang business permits ng mga ito.

Inihayag pa ng Valenzuela LGU na effective immediately ang ibinabang closure order.