Tinanggal ng International Olympic Committtee (IOC) ang accredidations ng dalawang coaches ng Belarus matapos ang sapilitang pagpapaalis sa isang atleta sa Tokyo Olympics.
Ayon sa IOC na kahit tinanggal na sina Artur Shimak at Yury Maisevich ay nahaharap pa rin sila sa imbestigasyon.
Ang dalawa ay umalis na rin sa Olympic village matapos ang desisyon.
Nagbunsod ang kontrobersiya ng pauwiin nila ang atletang si Krystina Timanovskaya na tumangging umuwi kaya humingi ng tulong sa mga otoridad.
Dagdag ng IOC na ang hakbang ay bilang bahagi ng ‘provisional measure’ para na rin sa kapakanan ng mga atleta ng Belarus na nasa Tokyo.
Binigyan siya ng asylum ng Poland kung saan nandoon na ngayon ang nasabing atleta.
Tinanggal sa national team ang 24-anyos na atleta dahil sa ginawa nito.