CENTRAL MINDANAO-Lumikas ang daan-daang mga sibilyan nang magka-engkwentro ang mga armadong grupo sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Maximo Layugan na nagkasagupa ang grupo nina Kumander Fernando Matugan at Kumander Mamacan Andatuan sa hangganan ng Brgy Nunguan at Brgy Tinutulan Pikit North Cotabato.
Dahil sa takot ng mga sibilyan na maipit sa gulo ay lumikas ito patungo sa mga ligtas na lugar.
Tumagal ng isang oras ang palitan ng bala sa magkabilang panig gamit ang mga matataas na uri ng armas.
Humupa lamang ang engkwentro nang mamagitan si Pikit Mayor Sumulong Sultan at mga lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Wala namang nasawi at nasugatan sa sagupaan ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.
Matagal nang naayos ang alitan ng dalawang grupo ngunit muling nagkagulo dahil may nilabag na kasunduan ang isang pamilya kung saan nag-ugat ito sa awayan sa lupa.
Nakatakda namang pulungin ng pamunuan ng MILF at ni Mayor Sultan ang dalawang grupo para sa mayapang negosasyon.