-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang dalawang manggagawa sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga biktima na sina Ariel Ballescas, 40 anyos, may asawa at ang kanyang pamangkin na si Michael Ballescas,mga residente ng Brgy Presbitero Pigcawayan Cotabato.

Ayon kay Pigcawayan Chief of Police, Major Ivan Samoraga na habang nagtratrabaho ang mga biktima sa isang gusali ay bigla itong nilapitan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan ng isang motorsiklo.

Patay on the spot ang mga biktima nang magtamo ng tama ng bala sa ulo, dibdib at likod.

Walang nakakilala sa mga sibilyan sa mga salarin na kapwa naka-helmet at mabilis na tumakas.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Pigcawayan PNP sa pamamaslang sa mga biktima.