-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Patuloy na inoobserbahan sa Baguio General Hospital and Medical Center ang dalawang construction workers na nadaganan sa gumuhong retaining wall sa Bued River, Camp 7, Baguio City.

Nakilala ang mga biktima na sina Neil John Patacsil, 25, tubo ng La Union at si Glenn Velez Fontanos.

Ayon kay PCapt. Francisco Ben, station commander ng Baguio City Police Office Station 10, nagtatrabaho ang mga biktima nang gumuho ang retaining wall kaya’t nadaganan ang mga ito.

Nadaganan ang balikat ng isa sa mga biktima habang nadaganan naman ang paa ng isa sa mga ito.

Sa pagresponde ng mga awtoridad ay naisugod sa pagamutan ang mga biktima na hanggang ngayon ay nilalapatan ng lunas.