-- Advertisements --
Patay ang dalawang construction worker matapos madaganan ng nahulog na steel framework mula sa ginagawang tulay sa Subic Freeport Expressway.
Ayon kay Wilma Eisma, ang chairperson at administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority, abala ang mga construction workers sa paggawa ng tulay ng aksidenteng nahulog ang steel frame.
May laki ito ng 18 metro at tinatayang may bigat ng mahigit 180 tonelada.
Agad na nasawi ang dalawang biktima ng dalhin ang mga ito sa pagamutan.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga kapulisan sa nasabing insidente.