-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Dalawa mula sa aktibong limang kaso ng COVID-19 sa bayan ng Kabacan, Cotabato ay idineklarang recovered case na.
Ayon sa Kabacan Municipal Rural Health Unit, sa kasalukuyan tatlo na lamang ang aktibong kaso sa bayan.
Bagamat recovered na mino-monitor pa rin ng lokal na pamahalaan ng Kabacan ang mga ito.
Patuloy naman ang apela ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. sa publiko na sundin ang health protocol upang maiwasan ang naturang sakit.