-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nasa kostudiya na ng pulisya sa Bislig City, lalawigan ng Surigao del Sur ang pulis na bumaril-patay sa dalawang mga babae sa loob ng isang bar sa Purok 3, Bongaitan District, sa Barangay Mangagoy pasado alas- 11:20 ng gabi matapos tumakas sa crime scene at tumungong gym ng Bry. Mangagoy kungsaan siya nahuli.

Kinilala ni Bislig City acting chief of police Magdalino Pimentel Jr., ang responsableng si Police Master Sergeant (PMSg) Kinneth Viola Cacho, 37-anyos, may asawa, residente ng Barangay Poblacion, Cateel, Davao Oriental at nadestino sa Davao Oriental-Provincial Drug Enforcement Unit.

Habang ang mga biktima ay nakilalang sina Janeth Catarman Besa, 25-anyos, dalaga, residente ng Brgy. San Vicente at Karyl Mae Abanggan, 21-anyos, dalaga at residente ng Brgy. Tumanan, Bislig City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pumasok sa bar dakong alas-10:00 ng gabi ang mga biktima kasama ang suspek at nag-inuman nang biglang nagkagirian hanggang sa namaril na ang pulis sa isa sa mga biktima ay idinamay pa ang isa na pumagitna lang sa kanila sanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Narekober sa crime scene ang walong mga basiyo ng 9mm pistol at sa pagrekisa sa bag ng suspetsado, ay nakuha mula sa kanyang bag ang 14 na mga bala.