-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Kapwa patay ang dalawang dating bilanggo na dawit sa illegal drugs matapos nakipagbarilan sa mga otoridad.

Sinabi ni Lt. Col. Giovanni Ladeo, hepe ng Regional Police Drug Enforcement Unit na kanilang isinilbi ang search warrant na inisyu ni Regional Trial Court (RTC) 63 Judge Adelbert Santillan ng Polomolok South Cotabato.

Target ang mga suspek na sina Ian Kit Marilla Ramo at Lionel Santillana Norcos mga residente ng Poblacion, Polomolok South Cotabato.

Ayon kay Ladeo unang pinuntahan ang bahay ni Ramo pasado ala-1:00 ng madaling araw nang pinaputukan umano sila ng suspek kayat pinaputukan at tinamaan ang suspek.

Sunod pinuntahan ang pangalawang suspek subalit natunugan ang pagdating ng pulisya kayat nagkaputukan at tinamaan ang suspek na Norcos.

Dinala pa sa Polomolok Municipal Hospital ang mga suspek subalit idineklara ng attending physician na dead on arrival.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang baril at mga sachet ng pinagdudahang shabu.