Kinumpirma ni incoming P3PWD 1st nominee at dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon na naghain na ng kaso ang dalawang dating kasambahay laban sa actress na si Ruffa Gutierrez.
Sinasabing ang reklamo ay may kaugnayan umano sa hindi pagbabayad sa kanila ng mga back wages at damages.
Bilang patunayan ipinakita pa ni Guanzon ang screenshot ng dokumento mula sa National Labor Relations Commission na nag-iimbita kay Gutierrez para sa isang mediation conference sa darating na July 27.
Una nang itinanggi ng aktress na sinibak niya ang naturang mga kasambahay matapos na ibulgar ni Guanzon na tinanggal ang mga ito sa first-class village na tinitirhan ni ruffa na hindi binabayaran ng sweldo.
Giit ng aktres at abogado nito na kusa raw na umalis ang mga ito sa kanyang pamamahay.
Sa ngayon inaantay pa ang kasagutan ni Gutierrez sa bagong kautusan ng NLRC.