CENTRAL MINDANAO-Nasamsam ng mga otoridad ang isang kilong shabu sa inilunsad na anti drug operation ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA-BARMM) sa Lanao Del Sur.
Nakilala ang mga suspek na sina dating Tagoloan Lanao Del Sur Municipal Councilor Esnaira Sultan Capal alyas Nai,Ex-Councilor Pangcopa Hadji Salik alyas Peping,Tagoloan Incumbent Municipal Councilor Simpanor Capal Salic at Rodrigo Sequino alyas Jojo.
Ayon kay PDEA-BARMM Regional Director Juvinal Azurin na naglunsad sila ng drug buybust operation sa bahagi ng national highway sa Purok 4 Barangay Matampay Marawi City katuwang ang tropa ng 103rd Brigade, 82IB,55IB, PIU-LDSPPO, Marawi MPS,1 403rd at 1402nd PNP-Regional Mobile Force Battalion, LDS PNP at Maguindanao PNP.
Nang i-abot na ng mga suspek ang droga sa PDEA-Asset ay doon na sila hinuli at pinosasan.
Narekober sa mga suspek ang tinatayang isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P6.8 Milyon,tatlong cellphone,mga IDs,isang kulay puting Toyota Hilux pick-up na may plakang NBT-7566,isang kulay itim Toyota Fortuner na may plakang DAN-1108,buybust moneyat dalawang OR/CR ng dalawang sasakyan.
Sinabi ni RD Azurin na matagal na nilang sinubaybayan ang mga suspek na sangkot sa large scale illegal drug trade sa Lanao Del Sur,Lanao Del Norte at mga siyudad ng Marawi at Iligan.
Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng PNP-LDS at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act 2002.