-- Advertisements --

Arestado na ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong tao na main suspect sa pagkamatay ni Pampanga Beauty Queen Geneva Lopez at sa Israeli boyfriend nito na si Yitzhak Cohen.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, malaki ang kinalaman ng tatlong ito sa krimen at kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya, dalawa rito ay mga dating pulis na sina Michael Guiang, na natanggal sa serbisyo noong February 2020 dahil nag AWOL at si Rommel Abuzo na natanggal din sa serbisyo noong 2019 sa parehong rason.

Ang isang sibilyan naman ay kinilala bilang si Jeffrey Santos.

Ayon kay Abalos, halos tapos na ang kaso dahil dalawa na rin ang kusang sumurender sa pulisya na sina alyas Junjun at Tonton.

Ibinahagi rin ni CIDG Director PMGen. Leo Francisco, na planado ang pagpatay sa beauty queen at nag ugat ito dahil sa away sa lupa na sinangla ni Guiang kay Geneva.

Gusto na umano kunin ni Geneva ang lupang isinangla sa kaniya ng ex-pulis na si Michael Guiang pero ayon kay Guiang ay may buyer na ito at ang buyer ay ang isang ex-pulis din na si Rommel Abuzo.

Nang makipagkita umano ang 2 biktima sa dalawang dating pulis ay doon na ito pinagbabaril sa kanilang sasakyan. Ang naturang sasakyan ay ang nakitang sinunog sa Tarlac.

Ayon kay PMGen Francisco, isang araw bago ang pagpaslang, plinano ng dalawang dating pulis ang krimen.

Sa mga susunod na araw inaasahan na sasampahan ang mga naturang suspek ng 2 counts of murder.