-- Advertisements --

akg2 1
PNP-AKG

Patay ang dalawang dating pulis na pawang mga miyembro ng Maray Kidnap For Ransom Group (KFRG) matapos makasagupa ang mga tauhan ng PNP-AKG kaninang alas-3:30 ng madaling araw sa may Brgy Pantok, Mabuhay Subd, Binagonan Rizal.


Ayon kay PNP-AKG Director PBGen. Jonnel Estomo kasama nila ang mga tauhan ng PNP IMEG ng ikasa ang operasyon laban kay dating Pat. Ralph Rafael Maray at isa pa nitong kasamahan.

Tinugon lamang ng mga otoridad ang natanggap na complaint kaugnay sa kaso ng kidnapping ng makita ng mga otoridad sa vicinity ang puting van na siyang ginagamit ng mga suspeks.

Sinita ng mga otoridad ang van pero pinaputukan sila ng mga suspeks na ikinasawi ng dalawang miyembro ng KFRG habang nakatakas ang ilan nitong kasamahan.

Paglilinaw ni Estomo na target ng nasabing operasyon para tugisin ang mga tiniguriang rogue cops na sinibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa mga iligal na aktibidad na bahagi ng internal cleansing campaign ng PNP.

Ang operasyon ng PNP-AKG ay may kinalaman sa sumbong ngisang Mrs. Lydia Santos, na ang kaniyang anak na si Marcial at dalawang kaibigan nito na sina Joven Francisco at Shane Paul Cruz ay pwersahang dinukot sa kanilang bahay sa Tanawan Valley, Brgy Macamot,Binangonan, Rizal, nuong June 3, 2020 at dito nagkaroon ng negosasyon kung saan ang live-in partner ni Marcial ay nagbigay ng P200,000.00 ransom sa mga kidnappers kapalit ng kalayaan ng mga biktima subalit kahit naibigay na ang ransom hindi pa rin pinakawalan ang mga biktima.

Sa ngayon nananatiling missing ang mga biktima.

Positibo namang nakilala ni Mrs. Marcial na ang dumukot sa kaniyang anak ay si dating Patrolman Maray.

Kaya sinampahan na ng kaso ang mga suspek.

Positibong kinilala ng PNP IMEG ang dalawang napatay na dating pulis na sina: PSSg Jerry Romero Fabros -assigned sa PROARMM, nahaharap sa kasong Robbery Extortion; Pat. Rafael Maray – AWOL nahaharap sa kasong Robbery Extortion.

Narekober sa crime isang Pistol na may PNP marking at isang Cal 45, 1- M16 rifle at nissan Urban van na may spurious plate number.