-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Isinasagawa ang dalawang araw na 4th National Directorate Conference ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) sa Ilagan City na naglayong alamin ang kanilang accomplishment sa first quarter ng 2019.

Bukod sa mga national, regional at provincial director ng TESDA mula Luzon, Visayas at Mindanao na dumadalo sa nasabing conference ay dadaluhan din ito ni TESDA Secretary and Director General Isidro Lapeña.

Posible talakayin ang Implementing Rules and Regulation ng program ng TESDA na Tulong Trabaho Law gayundin sa kung ano ang magiging partisipasyon ng ahensiya sa rice tarrification law.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay manpower skills training program (MSTP) Focal Person Paul Bacungan ng Ilagan City, sinabi niya na mismong si TESDA Secretary and Director General Lapeña ang naghayag na sa lunsod idaos ang conference dahil nakita umano ng kalihim ang magandang pagpapatupad ng mga programa ng TESDA sa lunsod.

Bagama’t maliit lamang aniya ang pondong ibinibigay sa TESDA Ilagan City ay nakita rin nila ang kagandahan ng kanilang mga pasilidad.

Nagpapasalamat si G. Bacungan na sa pamamagitan ng pagtatayo ng TESDA sa Isabela ay nakikita na nila ang apekto nito sa mga mamamayan dahil natutulungan hindi lamang ang mga out school youth kundi maging ng mga magulang at professional na nais linangin pa ang kanilang mga skills.