Matapos ang dalawang linggong pag-quarantine sa isang hotel sa Pasay, nakauwi na sa Cebu si 2021 Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez.
Sa tinatawag na Instagram story, nag-post ang 26-year-old Cebuana beauty ng maiiksing video clip na nagpapakita ng ilang lugar na sinalanta ng Bagyong Odette sa kanyang hometown.
Nagtungo si Beatrice sa Naval Reserve Center-Eastern Visayas kung saan siya tumulong sa pamimigay ng sopas bilang agahan o breakfast.
Mistula namang makakasama na nito ang kanyang ina at kapatid sa pagpasok ng Bagong Taon.
Kung maaalala, nakaabot ang athlete/beauty queen hanggang sa Top 5 ng 70th Miss Universe coronation na ginanap sa Israel.
Una na nitong inamin na mahirap at hindi “amazing” ang kanyang Miss Universe journey gaya ng inaakala ng ibang tao kung saan kinailangan niyang malapampasan ang mala-roller coaster na pangarap.
Makakaasa aniya ang mga kababayang Pinoy na ipagpapatuloy ang mga responsibilidad niya bilang Miss Universe Top 5 finalist.