-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Napagsabihan ang dalawang dayuhang trekker na umakyat ng Mount Apo na walang permiso at tour guide.
Ang pag-akyat sa bundok apo ay may mga umiiral na mga patakaran ang Protected Area Management Board – tulad ng No Permit No Climb Policy.
Pinaalala ng City Tourism Promotions Office at ng Department of Environment and Natural Resources Protected Area Management Office (DENR-PAMO) na mahigpit na pinatutupad ang protocol at patakaran upang matiyak na ligtas ang lahat na mga trekker na umakyat sa Mount Apo.
Panawagan ng DENR at City Tourism sa lahat na bukas ang natural park ngunit bago mag-trek ay sumunod sa mga ipinataw na alituntunin at regulasyon sa trekking policy ng tanggapan.