CENTRAL MINDANAO-Nagdulot ng takot sa mga sibilyan ang pag-atake ng mga terorista sa detachment ng mga sundalo sa lalawigan ng Maguindanao Del Sur alas 7:40 nitong gabi ng Linggo.
Sa ulat ng 601st Brigade na unang sinalakay ng mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang detachment ng militar sa Barangay Poblacion Ampatuan Maguindanao Del Sur.
Sabay din na inatake ng BIFF ang outpost ng 40th Infantry Battalion Philippine Army sa Datu Hoffer Ampatuan Maguindanao Del Sur.
Agad naman itong natunugan ng mga sundalo at pinaputukan ang posisyon ng mga rebelde na tumagal ng ilang minutong engkwentro.
Nagsilikas ang ilang sibilyan sa takot na maipit sa gulo patungo sa mga ligtas na lugar.
Umatras ang mga rebelde ng pasabugan sila ng mga sundalo gamit ang 81mm mortar.
Walang nasugatan sa pwersa ng mga sundalo habang hindi matiyak sa BIFF.
Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga sundalo ang mga rebelde sa bayan ng Ampatuan at Datu Hoffer sa Maguindanao Del Sur.