Idineklara na sa state of calamity ang 2 distrito sa Quezon province kasunod ng pananalasa ng bagyong Aghon.
Ang mga lugar na ito ay sa unang distrito kabilang ang Tayabas City, Pagbilao, Lucban, Sampaloc, Mauban, Real, Infanta, General Dakar, Polio, Panukulan, Burdeos, Patnanungan at Jomalig.
Gayundin ang ikalawang distrito na kinabibilangan ng Lucena City, Candelaria, Dolores, San Antonio, Sariaya at Tiaong.
Una ng isinailalim sa state of calamity nitong araw ng Lunes ang Lucena city sa bisa ng city council resolution.
Ilan ngang mga munisipalidad ang sinalanta ng bagyo matapos na mag-landfall ang bagyo sa ika-9 na pagkakataon sa Patnanungan.
Kahapon din, umaabot na sa mahigit 3,000 pamilya o katumbas ng 15,000 indibdiwal ang apektado ng bagyo habang 27 kabahayan naman ang nawasak at 400 pang bahay ang bahagyang nasira sa mga nasalantang barangay.