-- Advertisements --

Sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang dalawang doktor na nasa likod ng liposuction procedure sa namatay na negosyanteng si Nory Bobadilla.

Inihain ang reklamo sa Prosecutors Office ng Makati City ngayong araw, matapos malikom ang mga kinakailangang dokumento.

Sinasabing hindi agad nailabas ang autopsy report sa bangkay ng biktima kaya naantala ang pagsasampa ng formal complaint.

Kinilala ang mga doktor ng Contours Advanced Face and Body Sculpting clinic na sina Dr. Claudine Roura at Katrina Bulseca.

Una rito, ipinasara na ng Makati City government ang Contours dahil sa expired na lisensya.