-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nasa apat na ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 Omicron variant sa bansang Israel matapos na mahawa ang dalawang doktor na pumuntang South Africa.

Ito ang iniulat ni Bombo international correspondent Mark Pleños sa bansang Israel sa eksklusibong panayam ng Bombo Rady Koronadal.

Ayon kay Pleños, ang nasabing mga doktor ay medical staff ng Sheba hospital kung saan isa sa mga ito ang nanggaling din sa London.

Dagdag pa nito, ang nasabing mga doktor ay nakatanggap na ng tatlong doses ng Pfizer COVID-19 vaccine at pawang may mild symptoms lamang.

Kasabay nito ipinasiguro naman ni Israel Health Minister Nitzan Horowitz na walang dapat ikabahala ang mga taga-Israel dahil kontrolado pa rin naman umano ang sitwasyon sa buong bansa.

Aabot naman sa 34 na mga Israelis na ang suspected sa panibagong strain ng COVID-19 at inoobserbahan pa sa ngayon ng mga health authorities.