-- Advertisements --

LAOAG CITY – Natagpuan ang dalawang patay na dolphin sa dalampasigan ng Brgy. Caruan, Pasuquin, Ilocos Norte.

Ito ang kinumpirma ni Police Lt. Roi Manuel Ordonio, hepe ng Pasuquin PNP, matapos makita ito ng mga residente sa nasabing barangay.

Sinabi ni Ordonio na agad nilang ipinaalam sa BFAR at Municipal Agriculture Office ang mga sumadsad na dolphin.

Makikitang nagtamo ng sugat ang mga dolphin na isa sa posibleng dahilan ng kanilang kamatayan.

Agad naman inilibing ang dalawang dolphin na may bigat na mahigit 50 kilo bawat isa.