-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dalawang driver at isang konduktor ng pampublikong transportasyon sa Butuan City ang nagpositibo sa ilegal na droga sa isinagawang ‘Oplan Harabas’ o surprise drug test ng Land Transportation Office o LTO-Caraga kaugnay sa kanilang pagpapatupad ng “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa and Summer Vacation 2025.”

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-Caraga spokesperson Dindo Abellanosa, dalawa sa mga nagpositibo mula sa 110 na suma-ilalim sa surprise drug test, ay driver ng pampasaherong sasakyan na Nasipit-liner, at isa naman ay konduktor ng bus mula sa Sibagat, Agusan del Sur.

Agad nilang isina-ilalim sa oryentasyon ang mga ito bilang pagsunod sa doktrina nilang “save the user, jail the pusher” sa dahilang mga biktima lamang umano ang mga users sa mga nagbebenta ng ilegal na druga.

Sa ngayo’y kinumpiska muna ng Land Transportation Office-Caraga ang lisensya ng nasabing mga indibidwal bilang tugon sa Republic Act 10586 na nagbabawal sa mga nagpositibo sa illegal na druga o nasa impluwensya ng alcoholic drinks na makapagmaneho ng sasakyan.