-- Advertisements --

Pinabagsak ng mga militar ang dalawang drones sa Iraqi airbase kung saan nandoon ang mga US troops, Iraqi at coalition forces.

Matapos na makita ang drone ay agad na pinabagsak ng air defense system mula sa al-Asad Airbase ang nasabing drone sa pinaka-lumang military base sa Iraq.

Bago ang insidente ay inatake ng isang rocket ang Baghdad Diplomatic Support Center (BDSC) sa Iraqi capital.

Patuloy pa rin na iniimbestigahan ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng nasabing atake.