DAVAO CITY – Aabot sa mahigit 18 milyon pesos na halaga ng shabu ang narekober ng Task Force Davao sa Sirawan checkpoint matapos ang tangkang pagpuslit ng epektos papasko sa Davao city bandang alas-kwatro ng hapon.
Ayon sa Toril Police Station, dalawang lalaki ang nagtangkang ipuslit ang shabu sakay ng pribadong sasakyan.
Kinilala ang mga suspek na silang Cresil Jay Alvarez Lacia, 29 anyos at si Antonio Abes Palacios Jr. 30 anyos na parehong binatang driver at residente ng New Corella, Davao Del Norte.
Narekober mula sa nasabing indibidwal ang mahigit 1.140 ng kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit Php 18, 240 ,000.
Kasalukuyan ngayong nasa kustodiya ng Toril Police Station ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 “Comprehensive Dangerous Drugs Act”.
Habang paalala naman ng otoridad sa mga dabawenyo nga maging alisto at kaagad ipagbigay alam sa kinauukulan ang anumang transaksyon na may kinalaman sa krimen kagaya nito.