-- Advertisements --

Davao City – Nahuli sa Davao City ang dalawang drug courrier na mula pa sa Marawi City. Ayon kay Camp Sgt Quintin Merecido, Davao City- Drug Enforcement Team ng Buhangin (PS5) sa ilalim ng Davao City Police Office, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA XI, nakumpiska nila 55 gramo na pinaghihinalaang shabu at iba pang drug paraphernalia mula sa drug listed suspect sa isinagawang anti-illegal drug operation.

Kinilala ng PRO 11 Regional Director, PBGen Marcelo C Morales, ang mga suspek na sila SAYBIN ABUBAKAR MALA, alyas “Paolo” isang Street Level Target (SLT), na nakalista sa listahan ng DI Watch, 19 taong gulang, walang trabaho, at residente ng Brgy. Sugod, Marawi City; at si JALANIE PANONDI PANGANIBAN alyas “Bryan”, isang Street Level Target (STL), 18 taong gulang, walang trabaho at residente ng parehong address.

Bandang 1:30 nitong Miyerkules ng hapon ng dumating ang mga suspek sa Davao City na nagmula sa Marawi City, nagsimula ang transaksyon kung saan nabili ng poseur buyer ang isang (1) piraso na hugis parisukat na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting kristal na sangkap ng pinaghhinalaang shabu na nagkakahalaga ng Animnapung Libong Pesos (Php 60, 000. 00) na siyang nag-udyok sa mga operatiba na hulihin na ang dalawa.

Nakakulong na ngayon sa Buhangin Police Station ang mga suspek ay haharapa sa kasong paglabag ng Seksyon 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.