-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagkakahalaga ng P850,000 na shabu ang nasamsam sa dalawang drug dealer sa lalawigan ng Maguindanao Del Norte.

Nakilala ang mga suspek na sina Ben Dumpao Mohasmmad at Meri Abdul Batula na mga residente ng Barangay Muntay Datu Piang Maguindanao Del Sur.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Roel Sermese na naharang ng pinagsanib na pwersa ng PDEA-BARMM at pulisya ang mga suspek Barangay Lower Taviran Mother Kabuntalan Maguindanao Del Norte.

Nakatakda sanang dalhin ang droga sa Cotabato City mula sa bayan ng Datu Piang ngunit natunugan ito ng mga otoridad.

Nakuha ng mga otoridad mula sa mga suspek ang shabu na may timbang 125 grams at nagkakahalaga ng P850-K drug market value.

Sa ngayon ay nakapiit ang mga suspek sa costudial facility ng PDEA-BARMM sa Cotabato City at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.