CENTRAL MINDANAO-Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang dalawa katao na nahuli sa anti-illegal drugs operation sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga suspek na sina Jholamin Samama Lembak, 32 anyos, may asawa, at residente ng Sitio Damalige Barangay Satan Datu Hoffer Ampatuan Maguindanao at si Alikan Dipatuan Santiago, 31, may asawa at nakatira sa Barangay Tugal Datu Anggal Midtimbang Maguindanao.
Ayon kay Pigcawayan Chief of Police Major Carl Jayson Baynosa na nagsagawa sila ng buybust operation sa national highway ng Barangay Tubon Pigcawayan Cotabato.
Nang akma nang i-abot ng mga suspek ang droga sa police asset ay doon na sila hinuli.
Narekober sa mga suspek ang 50 grams na shabu at buybust money.
Matatandaan na nagkasundo ang police asset at mga suspek sa bibilhin na shabu na nagkakahalaga ng 52,000.00 pesos.
Sa ngayon ay nakapiit na sina Lembak at Santiago sa costudial facility ng Pigcawayan Municipal Police Station.