-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang dalawang katao na nahuli sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga suspek na sina Julius Genobes Balbuena alyas Julius, 27, may asawa, mekaniko, residente ng Barangay Sagasa, Esperanza Sultan Kudarat at Mario Sapues Rizalda, 47, binata, nakatira sa Brgy Silway 8, Polomolok, South Cotabato.

Ayon kay Matalam chief of police Major Junrel Amotan na nagsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng PNP Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) sa Brgy Poblacion Matalam, Cotabato sa harap ng Matalam National High School.

Nang iabot na ng mga suspek ang shabu sa nakasibilyan na pulis ay doon na sila inaresto.

Narekober sa mga suspek ang ilang pakete ng shabu, mga drug paraphernalia, buybust money at isang Hinno 10-wheeler truck.

Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng Matalam PNP at patuloy na iniimbestigahan.