CENTRAL MINDANAO – Nadakip ng mga otoridad ang dalawang drug suspects sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Nakilala ang mga suspek na sina Rohola Batabol, 37, may asawa at Jayhadin Mangelen Abid alyas Tapsi, 37, mga residente ng Brgy Poblacion, Lambayong, Sultan Kudarat.
Nahuli ang mga suspek sa magkasunod na buy bust operation ng pinagsanib pwersa ng Lambayong MPS, SKPDEU, SKPIB, at ng 22nd Mechanized Company ng Philippine Army kasama ang Philippine Drug Enforcemeny Agency (PDEA-12) sa Purok San Isidro, Barangay New Cebu, Lambayong, Sultan Kudarat.
Nakuha sa mga nahuling suspek ang dalawang pakete ng shabu.
Nakapiit na ang mga suspek sa custodial facility ng Lambayong PNP at nakatakdang sampahan ng kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.