KORONADAL CITY – Binawian ng buhay ang dalawang drug suspects matapos umanong manlaban sa mga otoridad sa isinagawang drug buy-bust operation sa bayan ng Polomolok South Cotabato.
Kinilala ni PLt. Reden Cuevas, Deputy Chief of Police ng Polomolok MPS ang mga nasawing suspek na sina Arnel Davilla at Edward Cordevilla Jr.
Ayon kay Cuevas, nabilhan ng operatiba ng illegal na droga ang mga suspek ng pinagsanib subalit nakatimbre umano ang mga ito na pulis ang kanilang ka transaksyon dahilan upang manlaban ang mga ito at napatay ng raiding team.
Narekober sa crime scene ang isang kalibre 38 revolver,isang home-made weapon ,mga bala ,P1,000 na buybust moner at mga personal na kagamitan.
Samantala, arestado rin ang 3 pang mga drug suspects kung saan 2 sa mga ito ay mga babae na kinilalang sina Roxan Francis Noceda alyas Roxan Noceda, 33 anyos at kasama nitong si Fatima Siddik, 28.
Habang sunod namang nahuli si Ranches Siddik, 24 anyos sa Prk Hechanova, Brgy. Poblacion, Polomolok South Cotabato kung saan nabilihan rin nga ipinagbabawal na druga ng poseur buyer ng mga otoridad.
Sa ngayon mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nahuling mga suspek.
Ang nasabing operasyon ay isinagawa ng painagsanib na pwersa ng pwersa ng PDEA-12 at Polomolok PNP.