Patay ang dalawang drug personalities ang nasawi sa isinagawang anti-illegal drug operations ng Bulacan PNP kahapon.
Bukod sa dalawang fatalities nasa 18 naman na mga drug suspeks
ang arestado.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Bulacan Police Provincial Director PSSupt. Romeo Caramat kaniyang sinabi na ang dalawang nasawing drug personalities ay dahil nanlaban ang mga ito sa mga operatiba.
Kinilala ni Caramat ang dalawang fatalities na sina Jerico Pangindian alias Emong at isang Alias Pulis.
Habang nakakulong ngayon sa Bulacan PPO ang 18 naarestong drug suspeks.
Nasa 51 piraso plastic sachets na hinihinalaang shabu ang narekober sa mga suspek at ibat ibang klase ng mga baril at bala.
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang isasampa laban sa mga suspek.
Tiniyak ni Caramat na legitimate ang isinagawang operasyon at may mga ebidensiya siya na
magpapatunay na nanlaban ang dalawang suspected drug personalities.
Aniya, lalo pang pinalalakas ng Bulacan PPO ang kanilang anti-illegal drugs operations na tinatawag na “Project Double Barrel Reloaded.”