KORONADAL CITY – Nadagdagan pa ang nasawi sa empleyado ng City Hall ng lungsod ng Koronadal dahil sa Covid-19.
Ito ang kinumpirma ni Dr. Edito Vego, OIC City Health Officer sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Vego, isang empleyado ng City Agriculturist Office ang namatay dahil sa pagkakahawa sa nakakahawang pandemya samantalang una na ring naitala ang isa pang namatay sa City Treasurer’s Office.
Paglilinaw nito, hindi kasali ang namatay sa huling 17 na nagpositibo sa City Hall.
Matatandaan na ipinatupad ang skeletal workforce ang City Hall ng Koronadal dahil sa dami ng pinaganganmbahang mahawa sa oras na hindi babawasan ang mga empleyado sa mga departamento.
Kasabay nito ipinasiguro naman ng opisyal na hindi maapektuhan ang serbisyo na ibinibigay ng City Hall para sa mga transaksyon sa kada araw at hindi rin isasara ang City Hall para sa mga importanteng transaksyon na isinasagawa dito.