-- Advertisements --

ILOILO CITY- Sinibak sa trabaho ang dalawang empleyado ng Iloilo City Urban Poor Affairs Office dahil sa alegasyon na ilegal na ibenebenta ang lote ng relocation sites ng gobyerno sa San Isidro at Sambag sa Jaro.

Mismo si IloiloCity Mayor Jerry Trenas ang nagpatanggal sa nasambing mga empleyado.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo kay Mr. Roy Firmeza, department head n gIloilo City Urban Poor Affairs Office, sinabi nito na hindi dumaan sa kanyang opisina ang reklamo laban sa dalawang empleyado.

Pahayag ni Firmeza,sa kanyang pananaw, nararapat sana na binigyan ng due process ang mga empleyado na sinibak dahil base sa record, maganda naman ang performance ng nasabing mga jobhires.

Dagdag nito, ilang beses na ring naharap sa nasabing isyu ang kanyang opisina at handa ito sa ano mang imbestigasyon.