LAOAG CITY – Dalawang engineer ang nahuli sa border chekpoint sa bayan ng Badoc dito sa Ilocos Norte dahil sa paggamit ng pekeng RT-PCR Test Result.
Ito ang kinumpirma ni Police Capt. Joseph Tayaban ng PNP Badoc.
Ayon kay Tayaban parehong nanggaling sa Metro Manila ang dalawnag engineer at magtutungo sana sa bayan Dumalneg para bisitahin ang mga ipinapatayon cell site.
Samantala, ipinaliwanag ni Tayaban na habang tinitignan ng mga otoridad nag dokumento ng mga ito ay napag-alaman na peke ang dala nilang RT-PCR Test.
Aniya, walang nakitang dry seal sa ipinakitang resulta at sa beripikasyon na ginawa nila sa listahan ng mga dumaan sa testing ay walang nakitang pangalan ng dalawang engineer.
Dagdag nito na base sa paliawanang ng dalawa ay ibinigay umano ng kanilang ahensya ang RTC-PR result at kahit pa hindi silaa sumailalim sa swab testing.
Dahil dito, kasong paglabag sa Article 171 ng Revised Penal Code ang naipila sa dalawan ngunit agad na nakapagpiyansa ang mga ito at bumalik ng Metro Manila.
Hindi naman mabatid ng hepe kung bakit sa Ilocos Norte pa nalalaman na peke ang resulta ng test na bitbit na mga magtutungo dito kung kaya’t mayroon namang mga border checkpoints sa mga kalapit na probinsya.