-- Advertisements --

DAGUPAN CTY – Patay ang dalawang inhinyero matapos makoryente habang nag-aayos ng cable wire sa Brgy Ambabaay sa bayan ng Bani, Pangasinan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Maico Maquilang mula sa Surigao del Norte at Wilbert Andres mula sa Quirino.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan nag-aayos umano ng cable wire and dalawa nang isa sa kanila ay nasagi ang live wire ng Panelco.

Nang tutulungan naman ang kasamahan nito ay nadamay na rin ang isa kaya’t pareho silang nakoryente.

Napag-alaman na hindi nakipag-ugnayan ang private company na kinabibilangan ng mga biktima sa naturang electric company.

Tiniyak naman ng pribadong kompanya na aakuin ang lahat ng gastusin sa burol at magbibigay ng pinansiyal na tulong sa mga naiwang kaanak ng mga biktima.