-- Advertisements --
Hindi na isinama ng men’s national football team ng Manchester- England ang dalawang manlalaro nito dahil sa paglabag sa COVID-19 protocols sa Iceland.
Ayon kay England FC manager Gareth Southgate, tinanggal na nila sa line up sina Phil Foden at Mason Greenwood para sa pagsabak nila sa nalalapit ng UEFA Nations League games sa Denmark.
Dahil dito ay pinauwi na ang dalawa sa United Kingdom.
Inilabas kasi sa media na binisita ng dalawang babae ang nasabing football players sa hotel na kanilang tinutuluyan.
Dagdag pa ni Southgate na dahil sa paglabag ng dalawa sa secure bubble ay nagdesisyon na sila na pauwiin an ang mga ito.
Mahigpit kasi na binilinan ang mga manlalaro na manatili sa secure team bubble sa kasagsagan ng Nations League games.