-- Advertisements --

Patay ang isang piloto matapos na magkabanggaan ang dalawang maliit na eroplano.

Naganap ang insidente sa isang air show sa southern Portugal.

Ayon sa mga otoridad na mayroong anim na eroplano ang kasali sa Beja Air Show subalit nagkaroon ng bangaan ang dalawang eroplano.

Ang mga eroplano ay pawang mga Yakovlev Yak-52 na isang Soviet-designed aerobatic tranining model.

Itinuturing na ito ang pinakamalaking air-show na ginanap sa southern Europe.